Midnight Snack? Vegetable Siomai na!

VEGETABLE SIOMAI

Ingredients:

1pcs. carrots – Ginayat na Malaki
1 pcs. Singkamas – Ginayat na Malaki
1/4 – Malunggay powder
2 pcs. – garlic
1 pcs. – sibuyas (tinadtad)
1 pcs. – egg (scrambled)
1/2 cup – Cornstarch
1/2 teaspoonful – Iodized Salt
1/2 teaspoonful – Paminta (durog)
1/2 teaspoonful – Sugar (brown)
2pcs. – Cabbage (big)
1/2 cup – Soy Sauce
Dahon ng Sibuyas (Pantali)

Paraan ng Paggawa

1. Sa isang mangkok, paghaluin ang carrot,singkamas, malunggay powder, bawang at sibuyas.

2. Idagdag ang itlog, cornstarch, iodized salt, pamintang durog at asukal na pula. Haluing mabuti.

3. Ibabad sa maligamgam na tubig ang dahon ng repolyo sa loob ng 2 minuto. Hanguin mula sa tubig.

4. Lagyan ng 1 hanggang 1 1/2 kutsarang gulay ang bawat dahon ng repolyo at balutin. Talian ang dulo gamit ang dahon ng sibuyas.

5. Ayusin sa steamer at pasingawan ng 8-10 minutes.

Suggested Serving:
– Ihain kasama ang sawsawan.

Preparation:

– Tadtarin ang 3 butil na bawang at 1-2 siling haba.
– Igisa sa mantika ang bawang at lagyan ng toyo. Ilagay ang sili kapag luto na ang bawang.
REGION XI – REHIYON NG DAVAO

Source: Mga Lutuing Gulay by DOH

Advertisements